Biyernes, Marso 24, 2017

ANO ANG EPEKTO NG INTERNET SA KABATAAN?

               ANO ANG EPEKTO NG INTERNET SA KABATAAN?

PANIMULA
              Ang internet ay ang mga nakakabit na mga computer networking na maaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan packet switching (IP). Dinadala nito ang mga iba’t ibang impormasyon at serbisyo katulad ng electronic mail, online chat at magkakaugnay na  mga pahina ng web ng World Wide Web. Naglalayon ang pananaliksik na ito ay biyang alam ang mga kabataan sa mga mabuting epekto ng Internet at bigyang babala patungkol sa mga negatibong epekto nito upang itoy magamit nila ng husto. Ang internet ay halos ginagamit na ng lahat. Ang internet ay may mabuti at masamang epekto ito sa atin kaya naman ay dapat nating limitahan ang paggamit ng internet para ito ay hindi makasama sa atin. Dahil ang ilan ay sa internet na nila ginugugol ang lahat ng oras kaya naman ay wala na silang oras para sa kanilang pag aaral at ang epekto nito ay mababang marka ang nakukuha sa skuwelahan. Facebook, twitter, yahoo, youtube ilan lamang ang mga iyan sa mga pinakausong tambayan ngayon ng mga kabataan pagdating sa paggamit ng internet. Ang mga kadalasang gumagamit ng internety ang mga kabataan. Kahulugan ng termino. Sa mga sugapa sa internet- ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahahayaang mabahala sila sa mga negatibong epekto ng paggamit ng internet tulad ng problema sa pikal o sa kalusugan, relasyon sa pamilya at problema sa pag aaral. Sa mga estudyante – na sila ay mabahala sa kanilang sarili at magagamit ang oras at internet ng maayos  nang ito ay makapagbigay ng positibong epekto sa kanilang pag aaral.

KATAWAN
              Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang internet sa kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga kabataan ang internet lalo na sa kanilang mga research papers, mga proyekto at mga takdang aralin. Halos lahat ng kalangan ng isang tao ay masasabi nating  nasa internet na o masasgot na ng internet sa isang click lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa internet naman na lahat  ng dapat kailanganin tatamarin na ang mga kabataan na arlin ang kanilang leksyon. Hindi lahat ng mga impormasyon na napost sa internet o hindi lahat ng nahahanap na source sa internet ay makapagkakatiwalaan. May mga wbsites na akala mo tama ang ibinibigay na impormasyon iyon pala ay gawa-gawa lamang o kaya naman ay hindi maikokonsiderang fact dahil wala naman itong basihan. Ang ibang websites naman ay ginagamit upang makapagloko ng ibang tao upang perahan sila dahil sa subrang hirap ng buhay ngayon. Marami pang masamang epekto ang internet sa kabataan ito ay ang hindi nila namamalayan na napapabayaaan na nila ang kanilang pag-aaral dahil mas inuuna pa nila ang pag gamit ng internet  kaysa sa mag-aral at minsan naman ay hindi na sila nakakakain sa tamang oras at naakatulog ng tamang oras dahil ito sa pagkahumaling nila sa paggamit ng internet. Ang epekto nito sa pag-iisip ng kabataanay ang tatamarin na mag-isip ang mga kabataan dahil ang sagot nakakailanganin naman na nila ay masasbing nasa internet na. ang epekto naman ng internet sa pakikitungo sa iabgn tao ay may mabuti ring epekto dahil sa internet nalalaman nila kung paano nila pakikitunguhan ang isang tao. Ang sulosyon sa mga masamang epekto ng internet ay wag ibuhos ang lahat ng orassa paggamit ng internet ay wag ibuhos ang lahat ng oras sa paggamit ng internet dapat limitahan ang sarili sa paggamit nito.
                            Gumawa  ng survey. Nagtanung-tanong sa 20 katao kung ano ba ang silbi ng internet sa kanila? 10 katao ang sumagot na ito daw ay kanilang pampalipas oras. Karamihan sa kanila ay 11-15 taong gulang palamang ay gumagamit na sila ng internet. Labing anim(16) katao ang nagsasabing nakatutulong ang internet sa kanilang pag-aaral. Siyam(9) na katao naman ang sumagotna tatlong oras silang gumagamit ng internet sa isang araw. Labing anim(16) ang nagsasabing may mabuting epekto sa kanila ang paggamit ng internet. Ang Facebook naman ang kadalasan nilang ginagamit na website nf internet. Ang epekto naman ng internet sa kanila ay ang pagpupuyat, libangan at nakakahanap ng maraming kaibigan.

KONKLUSYON
                           Ang internet ay marami din manan itong  magaganda at masamang epekto sa isang kabataan. Ito ay nakakabuti kung alam mong gamitin ito ng tama at kung alam mong limitahan ang sarili mo sa pggamit nito. Kung ito ay nakakasama na saiyo ay kailangan ng bawas bawasan ang paggamit ng internet sa gayon ay walang maging masamang epekto saiyo ang internet.

REKOMENDASYON
                            Nangangailangan pa ang mananaliksik ng mas malawakang pananaliksik sa epekto ng internet sa kabataan nang sagayon ay marami pang matuklasan na mabuti at masamang epekto sa paggamit ng internet. Inaasahan ang pagpapalawak pa ng pananaliksik na ito upang mabigyan aksyon ang masamang epekto ng internet.

SANGGUNIAN
                              Kaura28-allen.blogspot.com
                              http://prezi.com/x8hfyldo/epekto -ng-paggamit-ng-internet-sapag-uugali

                              https//en.wikipedia.org/wiki/internet

2 komento: