Martes, Enero 24, 2017

BAKIT MAHIRAP ANG MAG KAPAMILYA AT MAGKAROON NG ANAK NA MARAMI?



     Mahirap mag karoon ng pamilya pag wala kang trabaho dahil pag wala kang trabaho ay wala kang ipapakain sa pamilya mo at sa mga anak mo. Sa subrang hirap ng buhay hindi na kayang tustusan ng magulang ang kanilang mga anak.
      Maraming mga bata ang naghihirap at nagugutom dahil sa hindi na kayang tustusan ng magulang ang pangangalaga at pangangailangan ng kanyang mga anak. Maraming mga bata ang hindi maayus ang pamumuhay dahilan sa walang maayus na trabaho ang kanilang mga magulang. Walang maayus na tirahan ang mga anak kung ang magulang nila ay walang trabaho at kung ito ay tambay lang.
     Mahirap ang mag kapamilya at magkaanak lalo na kung hindi ka pa handa.  Kaya siguraduhing mong handa ka sa ano mang pagsubok ng may pamilya. Wag binabasta basta ang pag papamilya dahil ito ay mahirap na responsibilidad.

Martes, Enero 17, 2017

KAIBIGANG TUNAY

Sa una kayo'y nagkakahiyaan 
halos di mag pansinan
pag nagtagal kayo'y di na mapaghihiwalay

Kaibigang maaasahan,
kaibigang handang dumamay,
kaibigang idadamay ka sa kalukohan
ngunit ito'y di mo pagsisisihan

Mga kaibigang nag paparamdam sayo
na masaya ang buhay!
kaibigan ang tawag, ngunit tunay
na kapatid ang turingan

Kaibigan mong maasahan
minamahal kang tunay
higit pa sa kanilang buhay
ito'y waalng humpay

Kaibigang tunay,kailan man ay
di mo gugustuhing iwan
sa dami ng pinagsamahan
ito'y kailan man ay di mo malilimutan

Lunes, Enero 16, 2017

Tips para hindi malulung sa masamang bisyo

              Para hindi maluluong sa masamang bisyo ang kabataan ay kailangan meron itong napaglilibangan, maghanap ng puweding gawin. Halimbawa nalang  sa mga gawaing bahay maglinis sa loob ng bahay o kahit na sa bakuran. GUMALA kasama ang barkada, gumala kung saan saan. TUMUKLAS ng kung anu-anong bagay bagay kahit na ano basta malilibang ka. Kung hilig mo naman ang magluto ay magluto ka nalang ng masasarap na pagkain at ipagluto mo ang magulang mo ng paborito nilang pagkain sa gayon ay matutuwa pa sa iyo ang magulang mo at NAILAYO ka pa sa MASAMANG BISYO na MAKAKASIRA sa BUHAY mo. PUMILI ka rin ng babarkadahin yung mga WALANG BISYO at ugaliin nating TUMANGGI sa mga inaalok sa atin na alam nating na ito ay makakasama sa atin. WAG ding PUMUNTA sa lugar kung saan maraming tao ang TALAMAK sa BISYO. Wag araw-arawin ang pag inom ng alak hindi naman masamang uminom ng alak basta paunti-unti lang at  minsan lang wag itong awar-arawin  dahil ito rin ay nakakasama sa ating kalusugan. Iwasang makisama sa mga taong naninigarilyo at gumagamit sa bawal na gamot.
                IWASANG MAG BISYO! para HINDI MASIRA ang BUHAY MO!