It is more difficult here in college unlike in high school. In college you will lear how to be independent you need to rent a apartment and you need to cook for your self. In college you will lear new things.
janilyn
Huwebes, Marso 18, 2021
Biyernes, Marso 24, 2017
ANO ANG EPEKTO NG INTERNET SA KABATAAN?
ANO ANG EPEKTO NG INTERNET SA KABATAAN?
PANIMULA
Ang internet ay ang mga nakakabit na mga
computer networking na maaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala
ang mga datos sa pamamagitan packet switching (IP). Dinadala nito ang mga iba’t
ibang impormasyon at serbisyo katulad ng electronic mail, online chat at
magkakaugnay na mga pahina ng web ng
World Wide Web. Naglalayon ang pananaliksik na ito ay biyang alam ang mga kabataan
sa mga mabuting epekto ng Internet at bigyang babala patungkol sa mga
negatibong epekto nito upang itoy magamit nila ng husto. Ang internet ay halos
ginagamit na ng lahat. Ang internet ay may mabuti at masamang epekto ito sa
atin kaya naman ay dapat nating limitahan ang paggamit ng internet para ito ay
hindi makasama sa atin. Dahil ang ilan ay sa internet na nila ginugugol ang
lahat ng oras kaya naman ay wala na silang oras para sa kanilang pag aaral at
ang epekto nito ay mababang marka ang nakukuha sa skuwelahan. Facebook,
twitter, yahoo, youtube ilan lamang ang mga iyan sa mga pinakausong tambayan
ngayon ng mga kabataan pagdating sa paggamit ng internet. Ang mga kadalasang
gumagamit ng internety ang mga kabataan. Kahulugan ng termino. Sa mga sugapa sa
internet- ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahahayaang mabahala sila sa mga
negatibong epekto ng paggamit ng internet tulad ng problema sa pikal o sa
kalusugan, relasyon sa pamilya at problema sa pag aaral. Sa mga estudyante – na
sila ay mabahala sa kanilang sarili at magagamit ang oras at internet ng
maayos nang ito ay makapagbigay ng
positibong epekto sa kanilang pag aaral.
KATAWAN
Maraming naidudulot na magandang
epekto at hindi magandang epekto ang internet sa kabataan. Nagdudulot ito ng
magandang kapakinabangan sa mga kabataan ang internet lalo na sa kanilang mga
research papers, mga proyekto at mga takdang aralin. Halos lahat ng kalangan ng
isang tao ay masasabi nating nasa
internet na o masasgot na ng internet sa isang click lamang. Pero dahil sa pagiging
kampante na nasa internet naman na lahat
ng dapat kailanganin tatamarin na ang mga kabataan na arlin ang kanilang
leksyon. Hindi lahat ng mga impormasyon na napost sa internet o hindi lahat ng
nahahanap na source sa internet ay makapagkakatiwalaan. May mga wbsites na akala
mo tama ang ibinibigay na impormasyon iyon pala ay gawa-gawa lamang o kaya
naman ay hindi maikokonsiderang fact dahil wala naman itong basihan. Ang ibang
websites naman ay ginagamit upang makapagloko ng ibang tao upang perahan sila
dahil sa subrang hirap ng buhay ngayon. Marami pang masamang epekto ang
internet sa kabataan ito ay ang hindi nila namamalayan na napapabayaaan na nila
ang kanilang pag-aaral dahil mas inuuna pa nila ang pag gamit ng internet kaysa sa mag-aral at minsan naman ay hindi na
sila nakakakain sa tamang oras at naakatulog ng tamang oras dahil ito sa
pagkahumaling nila sa paggamit ng internet. Ang epekto nito sa pag-iisip ng
kabataanay ang tatamarin na mag-isip ang mga kabataan dahil ang sagot
nakakailanganin naman na nila ay masasbing nasa internet na. ang epekto naman
ng internet sa pakikitungo sa iabgn tao ay may mabuti ring epekto dahil sa
internet nalalaman nila kung paano nila pakikitunguhan ang isang tao. Ang
sulosyon sa mga masamang epekto ng internet ay wag ibuhos ang lahat ng orassa
paggamit ng internet ay wag ibuhos ang lahat ng oras sa paggamit ng internet
dapat limitahan ang sarili sa paggamit nito.
Gumawa ng survey. Nagtanung-tanong sa 20 katao kung
ano ba ang silbi ng internet sa kanila? 10 katao ang sumagot na ito daw ay
kanilang pampalipas oras. Karamihan sa kanila ay 11-15 taong gulang palamang ay
gumagamit na sila ng internet. Labing anim(16) katao ang nagsasabing
nakatutulong ang internet sa kanilang pag-aaral. Siyam(9) na katao naman ang
sumagotna tatlong oras silang gumagamit ng internet sa isang araw. Labing
anim(16) ang nagsasabing may mabuting epekto sa kanila ang paggamit ng
internet. Ang Facebook naman ang kadalasan nilang ginagamit na website nf
internet. Ang epekto naman ng internet sa kanila ay ang pagpupuyat, libangan at
nakakahanap ng maraming kaibigan.
KONKLUSYON
Ang internet ay marami din manan itong magaganda at masamang epekto sa isang
kabataan. Ito ay nakakabuti kung alam mong gamitin ito ng tama at kung alam
mong limitahan ang sarili mo sa pggamit nito. Kung ito ay nakakasama na saiyo
ay kailangan ng bawas bawasan ang paggamit ng internet sa gayon ay walang
maging masamang epekto saiyo ang internet.
REKOMENDASYON
Nangangailangan pa ang mananaliksik ng mas
malawakang pananaliksik sa epekto ng internet sa kabataan nang sagayon ay
marami pang matuklasan na mabuti at masamang epekto sa paggamit ng internet.
Inaasahan ang pagpapalawak pa ng pananaliksik na ito upang mabigyan aksyon ang
masamang epekto ng internet.
SANGGUNIAN
Kaura28-allen.blogspot.com
http://prezi.com/x8hfyldo/epekto -ng-paggamit-ng-internet-sapag-uugali
https//en.wikipedia.org/wiki/internet
Miyerkules, Marso 22, 2017
Linggo, Pebrero 12, 2017
Ten Uncommonly Used Filipino Words
Katoto(kaibigan)
halimbawa : Ang katoto nya ay subrang maawain.
Salipawpaw(eroplano)
halimbawa : Salipawpaw ang kanyang sinasakyan.
Durungawan(bintana)
halimbawa : Parating nakadungaw si Juliet sa kanilang durungawan.
Salumpuwit(upuan)
halimbawa : Parating nakaupo si Lolo sa salumpuwit na ito.
Kubyertos(kutsara o tinidor)
halimbawa : Ang mga kubyertos ay dapat ng hugasan.
Katipan(syota)
halimbawa : Ang katipan ni kuya ay mabait.
Talaksan(papeles)
halimbawa : Mahalaga ang mga talaksan na nakatago dito.
Piging(party)
halimbawa : May piging mamaya sa paaralan.
Balintataw(imahinasyon)
halimbawa : Malikot ang balintataw ng batang matalino.
Miktinig(microphone/mikropono)
halimbawa : Kinakailangan natin ng miktinig ngayon para tayo'y marinig.
Martes, Enero 24, 2017
BAKIT MAHIRAP ANG MAG KAPAMILYA AT MAGKAROON NG ANAK NA MARAMI?
Mahirap mag
karoon ng pamilya pag wala kang trabaho dahil pag wala kang trabaho ay wala
kang ipapakain sa pamilya mo at sa mga anak mo. Sa subrang hirap ng buhay hindi
na kayang tustusan ng magulang ang kanilang mga anak.
Maraming mga
bata ang naghihirap at nagugutom dahil sa hindi na kayang tustusan ng magulang
ang pangangalaga at pangangailangan ng kanyang mga anak. Maraming mga bata ang
hindi maayus ang pamumuhay dahilan sa walang maayus na trabaho ang kanilang mga
magulang. Walang maayus na tirahan ang mga anak kung ang magulang nila ay
walang trabaho at kung ito ay tambay lang.
Mahirap ang mag kapamilya
at magkaanak lalo na kung hindi ka pa handa. Kaya siguraduhing mong handa ka sa ano mang
pagsubok ng may pamilya. Wag binabasta basta ang pag papamilya dahil ito ay mahirap
na responsibilidad.
Martes, Enero 17, 2017
KAIBIGANG TUNAY
Sa una kayo'y nagkakahiyaan
halos di mag pansinan
pag nagtagal kayo'y di na mapaghihiwalay
Kaibigang maaasahan,
kaibigang handang dumamay,
kaibigang idadamay ka sa kalukohan
ngunit ito'y di mo pagsisisihan
Mga kaibigang nag paparamdam sayo
na masaya ang buhay!
kaibigan ang tawag, ngunit tunay
na kapatid ang turingan
Kaibigan mong maasahan
minamahal kang tunay
higit pa sa kanilang buhay
ito'y waalng humpay
Kaibigang tunay,kailan man ay
di mo gugustuhing iwan
sa dami ng pinagsamahan
ito'y kailan man ay di mo malilimutan
Lunes, Enero 16, 2017
Tips para hindi malulung sa masamang bisyo
Para hindi maluluong sa masamang bisyo ang kabataan ay kailangan meron itong napaglilibangan, maghanap ng puweding gawin. Halimbawa nalang sa mga gawaing bahay maglinis sa loob ng bahay o kahit na sa bakuran. GUMALA kasama ang barkada, gumala kung saan saan. TUMUKLAS ng kung anu-anong bagay bagay kahit na ano basta malilibang ka. Kung hilig mo naman ang magluto ay magluto ka nalang ng masasarap na pagkain at ipagluto mo ang magulang mo ng paborito nilang pagkain sa gayon ay matutuwa pa sa iyo ang magulang mo at NAILAYO ka pa sa MASAMANG BISYO na MAKAKASIRA sa BUHAY mo. PUMILI ka rin ng babarkadahin yung mga WALANG BISYO at ugaliin nating TUMANGGI sa mga inaalok sa atin na alam nating na ito ay makakasama sa atin. WAG ding PUMUNTA sa lugar kung saan maraming tao ang TALAMAK sa BISYO. Wag araw-arawin ang pag inom ng alak hindi naman masamang uminom ng alak basta paunti-unti lang at minsan lang wag itong awar-arawin dahil ito rin ay nakakasama sa ating kalusugan. Iwasang makisama sa mga taong naninigarilyo at gumagamit sa bawal na gamot.
IWASANG MAG BISYO! para HINDI MASIRA ang BUHAY MO!
IWASANG MAG BISYO! para HINDI MASIRA ang BUHAY MO!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)